Saturday, December 11, 2010

Songs I made--> TIME OUT MUNA (Tagalog)

Wala kang ginawang masama
Umibig ka lang di ka tanga
Kailangan ko lang talaga
Mag-isip kung tama ba

Wag kang mag-alala
Babalikan kita
Di ko lang talaga makita ang halaga
Ng pag-ibig mo sa akin
Ewan ko ba

Gusto kong makawala
Sa pag-aalinlangan kong ito
Dahil alam kong ika'y nasaktan ko
Di ko gustong mangyari ito.
Pero kailangan ng pagbabago

Nais kong iparating
Mula sa aking awitin
Ikaw ay iibigin
Kung sugat sa puso ay gumaling

Sana sa pagbalik ko
Andyan ka nakatayo
Yayakapin akong mahigpit
at nakaraa'y di na mauulit.

0 comments:

Post a Comment